Pagpapahalaga Sa Pambansang Wika Essay

Wika at Kultura: Pagsasaling Nagpapakahulugan

Simplicio R. . Bisa

Discipline: Philippine Culture, Filipino Language

 

Abstract:

Ang wikang Filipino, tulad ng alinmang wika sa daigdig, ay may sinilangang lugar. Sa lugar na ito, gumamit ang mga tao ng wikang magbubuklod sa kanila. Sa wikang ito naipahayag ang nabuo nilang karunungan, paniniwala, sining, batas, kaugalian, pagpapahalaga, at iba pang kaangkinang panlipunan. Ang mga ito, na kultura sa kabuuan, ay nagpasalin-salin sa bawat henerasyon sa pamamagitan din ng wikang yaon.

Sa patuloy na pag-unlad ng wika, sa patuloy na pagyabong nito, bunga ng pakikisalamuha ng mga katutubo sa mga dayuhan-mananakop o kaibigan na may naiibang kultura - ang wikang ginagamit na kasangkapan sa pakikipamuhay ay yumaman sa salita. May mga salitang hiram at ligaw na ganap nang inangkin. Sa paggamit sa mga katawagang ito sa mga pahayag na may kayarian o kaanyuang katutubo, kasama ang mga likas na katawagan, ang mga inangking salita ay nagkaroon narin ng katangiang Pilipino, nagkaroon ng kulay at karakter na Pilipino, at naging kasangkapan na sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino.


Share Article:


ISSN 0115-6195 (Print)

 

Kung tayoy’ magbabalik sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan nating mga Filipino, mawawari natin ang katotohanan na di- pangkaraniwan, masalimuot, at magulo ang pinagdaanan ng sariling wika natin sa ating mga kamay.Mahalaga ang papel na ginagampanan ng wikang Filipino sa buhay nating lahat. Walang taong makapagsasabi na ni minsan ay hindi siyagumamit ng kahit ano mang anyo ng wika. Lahat ng uri o antas ng tao sa mundong ibabaw ayginagamit itong kasangkapan sa iba’t ibanglarangan; pang-ekonomiya,pampolitika, panrelihiyon, pang-edukasyon at panlipunan. Sa wika dinnasasalamin ang mga adhikain, pangarap, saloobin, damdamin, kaalaman,pilosopiya, paniniwala, moralidad, at karanasan ng bawat isa. At binubuo ng wikaang sining, panitikan, karunungan, kaugalian, at kinagawian na mga nagsisilbingpundasyon ng ating kultura. Sa tulong ng wika, ang isang tao’ymakapamumuhaynang maayos at maigagapang niya ang kanyang sarili sa kanyang kapaligiran.

WIKANG PAMBANSA: Wikang Filipino

Mayroon tayong wikang pambansa. Ito ang wikang Tagalog na nang dahil sa kumbinasyon ng mga sirkumstansyang historikal, pang-ekonomiya at sosyopulitikal ay naging komon na wika ng magkakaibang etnolinggwistikong grupo ng ating bayan. Ang kasalukuyangFilipino ay ang dating wika ng Katagalugan na naging pambansa. Ang Filipino, kung gayon, ay ang pambansang linggwa prangka.Kung batayang panglinggwistika ang pag-uusapan, ang wikang pambansa at ang Tagalog ay nabibilang sa iisang wika. Ang unang batayan sa pagsabi nito ay ang tinatawag na

mutual intelligibility

. Ang isang nagsasalita ng “Filipino” at ang isang nagsasalita ngTagalog ay magkakaunawaan. Kung gayon, nagsasalita sila ng isang wika.Ang ikalawang batayan ay ang gramatika. Ang gramatika ng umiiral na “Filipino” ay walang pinag-iiba sa gramatika ngTagalog. Totoong sa ilalim ng konstitusyon, ang wikang Filipino ay kailangang nakasalig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas. Pero, sangayon, ang gramatika ng wikang pambansa ay yaong sa Tagalog. Tingnan lamang ang mga panlapi (

-um-

,

-in

,

-an

, at

i-

) at ang mgagramatikal na pananda (i.e.

ang 

,

ng 

,

 sa

) at mga partikulo (i.e.

 pa

,

na,

kung, daw, kasi)

. Hindi ba magkapareho lang sa mga panlapi atgramatikal na pananda at partikulo ng tinatawag na “Filipino”? Walang panlapi o gramatikal na elementong galing saIlokano, Sebwano, Ilonggo at sa ibang malalaking wika ang may matatag na katayuan sa wikang pambansa.Pero may isang malaki at hindi matatawarang pagkakaiba ang wikang Tagalog noon at ang wikang pambansa ngayon. Angkasalukuyang wikang pambansa ay ang pangalawang wika ng nakararaming Pilipino. Mas marami nang Pilipino ngayon na marunongmag-Tagalog pero hindi ito ang kanilang kinagisnan o unang wika. Ito ang pangalawang wika nila. Ito ang isa sa tampok na dahilan sa pagtawag dito ng ibang pangalan—Filipino. Ito rin ang panlipunang batayan sa paglitaw ng mga pasalitang barayti ng “Filipino”; mga barayti na hindi lamang limitado sa Katagalugan at Kamaynilaan, kundi sumasaklaw sa Davao, Iloilo, Cebu, Baguio, Angeles, Cagayande Oro, Zamboanga City at sa ibang punong sentrong lungsod kung saan nagtatagpo ang magkakaibang grupong etniko. Sa ngayon, ang barayting pinakaprestihiyoso ay ang barayti sa Metro Manila at kanugnog na mga lugar, na siyang itinuturo ngayon sa mga paaralan at pinalagaganap ng masmidya. Pero hindi maipupuwing na ang wikang Tagalog ay naging pambansa na.Ang ganitong mga katotohanan, sa aming palagay, ay hindi nalingid sa mga gumawa ng mga probisyong pangwika sa atingkonstitusyon. Nanalig sila na habang nalilinang, ang wikang pambansa ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mgawika sa Pilipinas at sa iba pang wika. Idineklara din nila ang wikang Filipino at ang wikang Ingles bilang wikang opisyal, pero hindi nilakinaligtaan na ipahayag din na ang mga wikang pangrehiyon ay pantulong na wikang opisyal at midyum ng pagtuturo. Higit salahat, tiniyak nila ang pagtatayo ng isang komisyon na “magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod” ng mga pananaliksik hindilamang sa wikang pambansa, kundi sa iba pang mga wika ng mga Pilipino.

May isang grupo ng mga mananaliksik ang naglabas ng KRT 3 Formulation of the National Learning Strategies for the Filipinoand English Languages na nagmumungkahi sa pamahalaan na:· para sa ECCD (3-5ng taon), ang paggamit ng wika ng bata sa day care center. Gagamitin ang Filipino at English (atArabic) sa mga istorya at panitikan;· para sa Grade 1 hanggang 3, ang paggamit ng wika ng bata bilang midyum ng pagkakatuto para sa lahat ngsubject. Gagamitin ang Filipino at English (at Arabic) bilang magkahiwalay na subject para sa oral language development;· para sa Grade 4 pataas, Filipino bilang midyum ng pagtuturo para sa Makabayan at subject na Filipino at/o panitikan atEnglish bilang midyum sa Math at Science. Gagamitin ang wika ng bata bilang pantulong na wika;· samantala, sa sekundarya, magtuturo ng mga

language elective

sa wika ng bata, wikang pangrehiyon, Arabic at anumangwika sa ibayong dagat;

0 Replies to “Pagpapahalaga Sa Pambansang Wika Essay”

Lascia un Commento

L'indirizzo email non verrà pubblicato. I campi obbligatori sono contrassegnati *